20% discount sa tubig at kuryente para sa seniors, aprubado na!

0
56

MAYNILA. Aprubado na ang 20% diskwento sa kuryente, tubig at iba pang serbisyo para sa mga senior citizen matapos lumusot sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 11400.

Sa botong 177 na pabor at walang tumutol, pinalawak ng panukala ang saklaw ng mga benepisyo sa ilalim ng Expanded Senior Citizens Act o Republic Act 7432. Mula sa dating 5%, itinaas sa 15% ang diskwento para sa mga senior citizen na may konsumo ng hindi lalampas sa 200 kilowatt hours ng kuryente at 50 cubic meters ng tubig, basta’t nakapangalan sa kanila ang billing statements.

Pinalawak pa ang 20% diskwento para sa online at offline na pagbili ng gamot, food supplement, bitamina, bayad sa mga health professional, serbisyo ng golf at country club, transport network services at toll fees sa mga skyway at expressway.

Nilinaw rin na hindi dapat saklaw ng number coding o Unified Vehicular Volume Reduction Program ang mga senior citizen, basta’t naka-pribadong sasakyan sila. Kabilang din sa mga benepisyo ang libreng parking fee para sa mga seniors sa mga commercial at government establishment na may singil sa paradahan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.