20 lugar sa bansa, signal No. 1 dahil sa bagyong ‘Aghon’

0
197

Isinailalim na sa Signal No. 1 ang 20 lugar sa bansa kasunod ng patuloy na paglakas ng Bagyong Aghon.

Ayon sa PAGASA, ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 135 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, at kumikilos ito sa bilis na 25 kilometro bawat oras pakanluran-hilagang kanluran. Taglay ni Aghon ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kph at pagbugso na umaabot sa 70 kph.

Dahil dito, nakataas ang signal No. 1 isa sa mga sumusunod na lugar:

Luzon:

  • Sorsogon
  • Albay
  • Catanduanes
  • Camarines Sur
  • Camarines Norte (San Vicente, San Lorenzo Ruiz, Basud, Daet, Talisay, Mercedes)
  • Masbate, kasama ang Ticao Island at Burias Island

Visayas:

  • Eastern Samar
  • Samar
  • Northern Samar
  • Leyte
  • Southern Leyte
  • Biliran
  • Bohol
  • Cebu, kasama ang Camotes Islands at Bantayan Islands

Mindanao:

  • Dinagat Islands
  • Surigao del Norte, kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands
  • Surigao del Sur
  • Agusan del Sur
  • Agusan del Norte

Inaasahang magla-landfall si Aghon sa Eastern Samar sa Sabado ng umaga at sa Catanduanes sa gabi. Mananatili si Aghon sa bansa at patuloy na lalakas hanggang Martes.

Abangan ang susunod na mga update mula sa PAGASA para sa karagdagang impormasyon at gabay sa kaligtasan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo