200 bahay nasunog sa Batangas City

0
1277

Batangas City, Batangas. Nasunog ang humigit kumulang na 200 kabahayan sa Brgy. Sta. Clara sa lungsod na ito, bandang 6:00 kagabi. Tumagal ang sunog hanggang 9:00 ng gabi, ayon sa ulat ng Batangas City Bureau of Fire Protection (BFP).

Malakas ang ihip ng hangin mula sa dagat kung kaya’t mabilis na kumalat ang apoy sa dikit dikit na mga bahay na gawa sa light materials, ayon sa report ng Batangas City BFP.

Batay sa paunang imbestigasyon, faulty wiring ang sanhi ng malawakang sunog. 

Ayon naman sa maraming saksi, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang nagngangalang Eleuterio de Chavez. Diumano ay maraming iligal na electrical connection o jumper ang nakakabit sa linya ng kuryente ni de Chaves na naging sanhi ng electric overload.

Batay sa report na ipinadala sa Police Regional Office Region 4, tumakas at nagtago si de Chavez ng malaman nitong natukoy ng mga bumbero na sa bahay niya nagsimula ang sunog.

Ang mga nasunugan ay kasalukuyang nasa isang evacuation center sa Colegio ng Lungsod ng Batangas.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.