200 Narra seedlings itinanim ng DENR sa Marinduque

0
384

Mogpog, Marinduque. Nagtanim ng 200 punla ng Narra ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) katuwang ang Marinduque Police Provincial Office sa Barangay Bocboc, Mogpog, Marinduque kamakailan.

Kasama sa isinagawang tree planting activity ang mga tauhan ng Mogpog Municipal Police Station, Kabataan Kontra Droga at Terorismo, Philippine Army at mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng Bocboc.

Hinihikayat ni PCpt Aldrin L Mutya, Assistant Chief, PCADU ng Marinduque PPO ang komunidad na patuloy na makiisa at makilahok sa mga programang ilulunsad ng pamahalaan hinggil sa pagpapanatili ng kagandahan at kasaganaan ng likas na yaman sa bansa.

Samantala, patuloy na isinasagawa ang regreening efforts sa CALABARZON. Ang mga nagtapos na National Greening Program sites ay humihikayat din ng mga interesadong grupo o organisasyon na makiisa sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement sa ilalim ng Tayo Ang Kalikasan Program. Para sa mga nais magsagawa ng tree planting activity o magpatibay ng graduated NGP site sa CALABARZON, maaaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na DENR Office sa inyong lugar.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.