2022 Outstanding Nutrition Honor Award (NHA) Performer, iginawad sa Laguna

0
168

SANTA ROSA CITY, Laguna. Ibinigay ng National Nutrition Council (NNC)-Calabarzon ang prestihiyosong pagkilalang “2022 Outstanding Nutrition Honor Award (NHA) Performer” sa lalawigan ng Laguna sa 2023 CaLaBaRZon Regional Nutrition Awarding Ceremony noong Agosto 1, 2023 sa Seda Nuvali Hotel sa lungsod na ito.

Dakilang pinarangalan ni Gobernador Ramil L. Hernandez ang naturang pagkilalang ito, na itinuring niya bilang isang malaking karangalan para sa mga lokal na pamahalaan ng lalawigan na mahigit anim na taong patuloy na nagpapatupad ng mga programang pangkalusugan.

Ang parangal ay bunga rin ng matagumpay na hakbang na ginawa ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Nutrition Action Office (PNAO) na labanan ang malnutrisyon sa lalawigan at suportahan ang mga programa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang matamo ang wastong nutrisyon.

Bilang karagdagan, ipinaabot din ni Gobernador Hernandez ang kanyang pagbati kay Teresita S. Ramos ng PNAO na tinanggap ang parangal bilang 2nd Place, 2022 Regional Outstanding Provincial Nutrition Action Officer. Kasama rin sa pagbati at pasasalamat ang lahat ng iba pang mga Lagunense na tumanggap ng pagkilala mula sa NNC-Calabarzon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.