Pamamaril sa paaralan sa Uvalde, Texas: 21 estudyante, isang guro ang napatay. Suspek na shooter napatay ng mga rumespondeng pulis.
Patay ang 21 bata at isang guro sa isang mass shooting incident sa isang elementary school sa Texas kanina, bandang 11:30 a.m. Central time (12:30 AM Miyerkules, sa Pilipinas). Ang suspek na mass shooter ay napatay ng mga rumespondeng opisyal, ayon kay Gov. Greg Abbott.
Kinilala ni Abbott ang suspek na si Salvador Romas, isang residente ng Uvalde, na patay din at kumilos nang mag-isa, sabi ng mga awtoridad. May dala siyang baril at posibleng riple nang magpaputok siya sa Robb Elementary School, ayon sa gobernador. Dalawang pulis ang binaril at nasugatan ngunit nasa maayos ng kalagayan, dagdag pa ni Abbott.
Binaril din ng suspek ang kanyang lola bago pumasok sa paaralan bago muling nagpaputok, ayon kay Abbott. Hindi naman siya nagbigay ng detalye tungkol sa kalagayan ng matanda.
Si Roma, na residente ng Uvalde, ay binaril at napatay ng mga pulis na sumugod sa lugar na pinangyarihan ng krimen, idinagdag ni Abbott
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon, ayon sa mga awtoridad.
Ang Robb Elementary School ay matatagpuan 80 milya sa kanluran ng San Antonio, at nagsisilbi sa mga mag-aaral sa ikalawa, ikatlo at ikaapat na baitang.
Source: The Shooting at Robb Elementary School, Uvalde, Texas, US. Crisis Response
Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.