21 Pinoy seaman sa barkong inatake ng Houthi rebels, nakauwi na

0
162

MAYNILA. Nakauwi na sa Pilipinas kahapon ang 21 Filipino seafarers na nasagip mula sa MV Tutor, na kamakailan lang ay inatake ng mga rebeldeng Houthi.

Ang mga nasabing Pinoy seafarer ay sinalubong ng mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Health (DOH) sa kanilang pagdating sa bansa. Dumating sila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 mula sa Bahrain Airport.

Ayon sa DMW, ang mga tripulante ay tatanggap ng financial assistance na nagkakahalaga ng P230,000. Ang breakdown ng tulong pinansyal ay P50,000 mula sa DMW, P150,000 mula sa House of Representatives, P10,000 mula sa Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA), at P20,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Una na rin silang nakatanggap ng tig-192 Bahraini Dinars, na katumbas ng P30,000 bago sila umuwi ng Pilipinas.

Matatandaang noong Hunyo 12, naganap ang insidente kung saan nawasak ang MV Tutor matapos tamaan ng double missile attack ng mga rebelde sa Red Sea. Agad namang nasagip ang 21 tripulante, habang isa pa ang nawawala.

“Napasalamat kami sa mabilis na aksyon ng gobyerno para sa aming kaligtasan,” ayon sa isa sa mga seafarers na hindi nagbigay ng pangalan.

Ang mabilis na pag-aksyon ng pamahalaan at ang pagbibigay ng tulong pinansyal ay isang malaking tulong para sa mga umuwing seafarers at kanilang mga pamilya.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo