215K na halaga ng drugs nakuha sa 2 suspek na tulak

0
343

Antipolo City, Rizal. Arestado ang dalawang drug suspect sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Rizal Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit (PIU/PDEU) sa koordinasyon ng PDEA 4A kagabi, Mayo 18,2022 sa 75 Cruz Compound, Carigma St. Brgy. San Jose, lungsod na ito.

Ayon sa ulat ni Rizal Police Provincial Director, Police Colonel Dominic L. Baccay kay PRO CALABARZON Regional Director, Police Brigadier General Antonio C. Yarra, ang interestong  suspek ay kinilalang sina Jonathan Manzano Mariano alyas “Athan”, 35 anyos at kasalukuyang naninirahan sa Cokran Village Carigma St. sa nabanggit na barangay at Michael Lazarte Orcio alyas “Michael”, 38 anyos na residente ng Blk-7 Room 14, Planters Flood-way, Brgy San Andres, Cainta Rizal.

Ang isinagawang operasyon ay nag-ugat sa isang confidential informant na mayroong talamak na bentahan ng iligal na droga sa lugar ng operasyon, kung saan isang alyas “Athan” ang inireport na sangkot sa nasabing ilegal na aktibidad. 

Nakumpiska sa possession ng mga suspek ang pitong (7) piraso ng. mga heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 37 gramo na tinatayang may street value na P251,600.00.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.