221 na miyembro ng Laguna LGBT, tumanggap ng TUPAD payout

0
181

Calamba City, Laguna. Namahagi ng ng Tulong Panghanapbuhay sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) payout sa mga miyembro ng Laguna LGBT community sa Laguna Provincial Capitol Extension sa Brgy. Halang si Laguna Governor Ramil Hernandez kahapon.

Humigit kumulang na 221 miyembro  ang tumanggap ng P4,350 bawat isa bilang benepisyaryo ng TUPAD, isang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naglalayong magbigay ng panandaliang trabaho sa mga manggagawang nawalan ng pangkabuhayan dahil sa kalamidad, krisis sa ekonomiya, at iba pang di-inaasahang pangyayari.

Naging panauhin din sa okasyong ito si Dir. Gerald ‘Dindi’ Tan, Dir. IV ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Reintegration Office, na siya ring kasalukuyang pangulo ng LGBT Pilipinas Inc.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.