Php 224K halaga ng shabu nasamsam sa Calamba; high-value individual arestado

0
302

Calamba City, Laguna. Arestado ang isang high value drug suspect at nakumpiska ang Php 224,400.00 na halaga ng hinihinalang shabu sa Purok 1, Villa Pansol, Brgy. Pansol, lungsod na ito kanina. 

Kinilala ang nadakip na si Karen Cabezas, 20 anyos na binata at residente ng nabanggit na lugar, ayon sa spot report na isinumite ni Police Lieutenant Colonel Arnel L. Pagulayan, Chief of Police, Calamba CPS.

Nakumpiska ang 7 piraso ng sachet na naglalaman ng hinihinalang Shabu na may bigat na 33 gramo at tinatayang halaga ng Dangerous Drug Board na Php 224,400.00. Kinuha din sa suspek ang Toyota Wigo na walang plate number. 

Nakatakdang iharap ang suspek sa Office of the City Prosecutor, Calamba City para sa Inquest Proceeding para sa Paglabag sa Section 5 at Section 11 sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

“Ang pag-aresto kay Cabezas bilang isang high-value na indibidwal ay nagpapakita lamang ng mas mahigpit na aksyon at programa ng ating pulisya at pambansang pamahalaan laban sa droga. Makatitiyak ang ating mga kababayan na tayo sa PRO4A ay mas magtutuon ng pansin sa pagdakip at pagsupil sa mga ganitong masamang bisyo upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa ating lipunan,” ayon kay Yarra

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.