23 na iligal na mananaya ng tupada, nasakote sa serye ng anti-illegal gambling ops

0
194

Sta Cruz, Laguna. Inaresto ang 23 suspek na sangkot sa illegal gambling operation kamakalawa sa apat na magkakabukod na anti-illegal gambling operations sa lalawigan ng Laguna, ayon sa report ni Laguna Police Provincial Director PCOL Rogarth Bulalacao Campo kay CALABARZON Regional Director PBGEN Eliseo Cruz.

Nadakip sa aktong nagsasagawa ng tupada sa ilalim ng pangangasiwa si San Pablo City Police Chief PLTCOL Garry Alegre ang mga suspek na kinilalang sila Jayvee De Villa, 25 anyos na construction worker; Bonifacio Panginahug, 39 anyos at residente ng Brgy. San Bartolome, San Pablo City; Leo Manalo, 52 anyos, driver; Gilbert Iranso, 40 anyos; Kevin Opia, 29 anyos, driver at residente ng Brgy. San Gregorio, Alaminos, Laguna; Alvin Obay, 46 anyos; Kim Bryan Narciso, 22 anyos at residente ng Brgy. Santiago 2, San Pablo City, Laguna; Ronnie Pasahol, 38 anyos at residente ng Brgy. Santiago 2, San Pablo City, Laguna at Joel Herrira, 42 anyos at residente ng Brgy. Bautista, San Pablo City, Laguna. Nakumpiska sa mga nadakip ang dalawang manok na pansabong, 2 tari at Php 2,500. 

Samantala, sa ilalim ng pangangasiwa ng Calauan Municipal Police Station Chief PMAJ Jollymar R. Seloterio, inaresto ang mga suspek na kinilalang sina Junrey Barrameda, 42 anyos, binatang hardinero; Joseph Estrada, 42 anyos na tricycle driver; Abel Garinga, 39 anyos na construction worker na pawang mga residente ng Brgy Dayap, Calauan, Laguna. Ang mga nabanggit na suspek ay inaresto kahapon matapos makatanggap ng impormasyon ang Caluan Police Station hinggil sa isinagawa nilang iligal na tupada.Nakuha sa kanila ang isang manok na pansabong, isang tari at betting money na Php 350.00.  

Sa Pila, Laguna, inaresto naman kahapon sa pangangasiwa ni chief od police PMAJ May Katheryn S. Ramos ng Pila Municipal Police Station ang mga suspek na sina Emil Perol, 63 anyos na construction worker, Luisito Valentin, 47 anyos na construction worker, Jeron Pura, 23 anyos na karpintero at Jericho Valentin, 20 anyos na construction worker na mga residente ng  Brgy. San Miguel, Pila, Laguna on January 01, 2022, PM at Brgy San Miguel, Pila, Laguna. Nakumpiska sa kanila ang Php 347.00 na betting money. 

Nasakote naman ng Mabitac Municipal Police Station na nasa pangangasiwa ni chief of police PLT JESSICA MAGALLANES ang mga illegal gamblers na kinilalang sina Wilfredo De Luna, 39 anyos, may asawa at isang tindero; Wally Macatangay, 48 anyos; Michael Antecristo, 48 anyos na construction worker;. Wilmer Ambrosio, 53 anyos na magsasaka; Rolando Rosana, 60 anyos; Mark Christian Sollorano, 28 anyos na mekaniko at Jonathan Ripia, 31 anyos na magsasaka at pawang naninirahan sa Brgy. Cambuja, bayang ito. SIla ay nahuli sa aktong nagtutupada noong Enero 1, 2022 sa Brgy. San Antonio, ng nabanggit na bayan. Nakumpiska sa mga suspek ang 3 manok na pansabong, 3 tari at betting money na Php 1,100.  

Ang mga inaresto ay kasalukuyang nasa kani kanilang police station habang naghihintay ng  tamang disposisyon.

Kaugnay nito, pinuri ng PCOL Campo ang mga tauhan ng LAguna PNP sa kanilang walang pagod na pagkilos upang sugpuin ang illegal gambling sa lalawigan ng Laguna.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.