23 poll hotspot sa Calabarzon tinukoy ng PNP

0
682

Calamba City, Laguna. Inanunsyo kahapon ng Calabarzon Philippine National Police na mayroong 23 lungosd at bayan sa Calabarzon na tinukoy bilang election areas of concern o poll hotspot.

Iniulat ni Brig. Gen. Antonio Yarra, Calabarzon police director, na ang rehiyon ay may kabuuang 142 cities at municipalities, 23 sa Cavite, 30 sa Laguna, 34, 14 sa Batangas at Riza at 41 sa Quezon.

Sinabi ni Yarra na nagpatibay ang PNP ng color-coding scheme para matukoy ang mga poll hot spot.

Aniya, ang mga nasa ilalim ng orange category o areas of immediate concern ay mayroong kumbinasyon ng dalawa o higit pang salik sa ilalim ng yellow category bukod pa sa seryosong armadong banta na dulot ng mga rebeldeng grupo, habang sa ilalim ng red category o areas of grave concern ay ang mga may record ng marahas na insidente, matinding tunggalian sa pulitika at mga armadong banta na dulot ng mga lokal na teroristang grupo.

Sa mga lungsod at munisipalidad na ito, 23 ang nasa sa kategoryang Yellow, 112 ang nasa Green at pito ang Orange.

Sa dilaw, mayroong limang Lungsod na kinabibilangan ng tatlo sa Cavite, tig-isa sa Laguna at Batangas habang 18 Munisipyo na kinabibilangan ng 11 sa Batangas, 3 sa Cavite, 2 sa Quezon at tig-isa sa Laguna at Rizal.

Ang pitong Munisipyo sa Orange category ay mula sa Cavite na may dalawa, apat sa Quezon at isa sa Rizal.

“Bagaman, wala kaming natatanggap na anumang banta mula sa sinumang kriminal, terorista o pribadong armadong grupo at indibidwal, nagsasagawa kami ng pinaigting na mga checkpoint ng Comelec sa buong rehiyon alinsunod sa Comelec Resolution 10741,” ayon kay Yarra sa muling paglulunsad ng ‘Pulis your service’.

Inireport ni Batangas police director Col. Glicerio Cansilao na ang mga bayan ng Nasugbu, Lian, Tuy, Balayan, Calatagan, Calaca, Lemery at Taal ay kabilang sa mga nasa ilalim ng yellow category.

Iniulat ni Quezon police director, Col. Joel Villanueva, na ang Infanta at Mulanay ay kabilang sa mga munisipalidad na nasa ilalim ng yellow category habang ang Gen. Nakar, Lopez, Catanauan at Gen. Luna ay nasa orange.

Ayon naman kay Laguna police director, Col. Cecilio Ison, ang Binan ay inilagay sa Yellow category.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.