25 kabataan, sugatan sa bumaligtad na passenger jeep

0
512

SAN NARCISO, Quezon. Nasugatan ang 25 kabataan matapos maaksidente ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep habang bumabagtas sa national highway sa Barangay Abuyon, San Narciso, Quezon, kahapon ng tanghali.

Ayon sa report ng San Narciso Municipal Police Station, galing sa bayan ng Catanauan, Quezon ang jeep at pabalik na sana sa bayan ng Buenavista nang mawalan ito ng preno, sumalpok sa barrier ng highway at dumiretso ito at nahulog sa mababaw na bangin at bumaliktad.

Sakay ng jeep ang grupo ng mga kabataan mula sa iba’t ibang youth organization at Sangguniang Kabataan ng Buenavista na galing sa outing sa bayan ng Catanauan, ayon sa report.

Nasa 26 na pasahero ang sugatan, tatlo sa kanila ay nagtamo ng bone fracture habang ang iba naman ay minor injury lang.

Ang mga nasugatan ay dinala sa municipal hospital ng San Narciso at ang iba ay isinugod sa ospital sa Lucena City at Gumaca District Hospital sa Gumaca, Quezon.

Agad naman na rumesponde ang mga opisyal ng LGU-Buenavista sa mga kabataang biktima.

Photo credits: Danny Estacio
Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.