Nagbabala ang PAGASA hinggil sa delikadong heat index na posibleng maranasan sa 25 na lugar sa bansa ngayong Biyernes.
Batay sa heat index forecast ng weather bureau, maaaring umabot sa 42°C hanggang 45°C ang init sa mga sumusunod na lugar:
45°C
- Virac (Synop), Catanduanes
44°C
- Dagupan City, Pangasinan
- Puerto Princesa City, Palawan
- Roxas City, Capiz
Nasa 43°C ang inaasahang temperatura sa mga sumusunod na lugar:
- San Jose, Occidental Mindoro
- Guiuian, Silangang Samar
Samantalang sa 42°C naman ang init sa:
- NAIA, Pasay City, Manila
- Iba, Zambales
- CLSU Muñoz, Nueva Ecija
- Cubi Point, Subic Bay, Olongapo City
- Sangley Point, Cavite
- Infanta, Quezon
- Alabat, Quezon
- Aborlan, Palawan
- Cuyo, Palawan
- Legazpi, Albay
- Masbate City, Masbate
- CBSUA-Pili, Camarines Sur
- Mambusao, Capiz
- Iloilo City, Iloilo
- Dumangas, Iloilo
- Catarman, Northern Samar
- Catbalogan, Samar
- Tacloban City, Leyte
- Dipolog, Zamboanga del Norte
Ang Baguio City at Benguet State University, La Trinidad sa Benguet ay nananatiling may pinakamababang heat index na 27°C.
Ayon sa PAGASA, ang heat index mula 42°C hanggang 51°C ay nasa danger level na. Ito ay nagdudulot ng panganib ng heat exhaustion, heat cramps, at heat stroke para sa mga taong labis na nae-expose sa init.
Dahil dito, pinayuhan ng ahensya ang publiko na bawasan ang panlabas na aktibidad, uminom ng sapat na tubig, at magsuot ng light-colored na damit upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng sobrang init ng panahon.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo