25 MWP timbog sa ikinasang “Warrant Day” ng Laguna PNP

0
240

Sta. Cruz, Laguna. Arestado ang dalawangput-limang akusado sa loob na isang araw na “Warrant Day” ng Laguna PNP, kahapon Oktubre 6, 2022, ayon sa ulat  ni Laguna Police Provincial Office, Officer-In-Charge, Police Colonel Randy Glenn G Silvio, kay CALABARZON Regional Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Ang Warrant Day ng Laguna PNP ay matagumpay na naipatupad sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon mula sa aktibong suporta ng komunidad at Barangay Intelligence Network (BIN’s) sa ibat-ibang barangay sa lalawigan ng Laguna.

Ikinasa ang 25 operasyon ng Warrant of Arrest ng buong pwersa ng Laguna PNP, na nag resulta sa pagdakip sa isang most wanted person (MWP) sa  regional level most wanted person at dalawangput-apat pang ibang akusado. Ang siyam dito ay Most Wanted person habang ang labing-anim (16) naman ay other wanted person. 

Kinilala ni PCol. Silvio ang isa sa mga naarestong MWP sa regional level na si Jayson Doliente na  residente ng Santa Maria, Laguna at matagal g pinaghahanap ng batas sa kasong pagpatay.

Arestado din ang akusadong si Alvin Catimbang sa bukod na operasyon ng Sta Maria Municipal Police Station at ng 402nd MC RMFB4A na nagtago hinggil sa kaso rin ng pagpatay.

“Ang pagkahuli ng mga akusadong ito ay naging matagumpay dahil sa pagtutulungan ng mamamayan ng Laguna at kapulisan. Sa pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan sa ating mga himpilan ay mabilis na nadakip ang mga akusado na nagtatago dito sa lalawigan ng Laguna,” ayon sa mensahe ni PCOL Silvio. 

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.