26 deboto nagpapako sa krus sa Pampanga nitong Biyernes Santo

0
1644

San Fernando, Pampanga. Dalawampu’t anim na deboto ang ipinako sa krus sa iba’t ibang lugar sa lalawigan na ito upang muling ipakita ang pagdurusa ni Hesukristo sa isang madugong tradisyon ng Biyernes Santo. Kabilang ang isang karpintero, na ipinako sa ika-34 na pagkakataon kalakip ang isang panalangin na matapos na nawa ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine dahil ito nagsasanhi ng kahirapan na katulad ng dinaranas niya.

Ang totoong pagpapako sa krus sa farming village ng Brgy. San Pedro Cutud sa Pampanga ay nagpatuloy matapos ang tatlong taong paghinto dahil sa coronavirus pandemic.

Kabilang sa nagpapako sa krus ang 62-taong-gulang na karpintero at pintor na si Ruben Enaje, na sumisigaw habang siya ay ipinako sa kahoy na krus habang nanonood ang maraming tao sa kainitan ng tanghali.

Sa isang panayam bago siya ipako sa krus,  sinabi ni Enaje na nanalangin siya para sa pagpuksa ng COVID-19 na virus at ang pagwawakas ng pagsalakay ng Russia sa Ukraine, na nagsasanhi sa pagtaas ng presyo ng gas at pagkain sa buong mundo.

Libo-libong residente, turista nanood ng pagbabalik ng pagpako sa krus sa Pampanga. Photo credits: Rizaleño Ako!

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.