28 pang lungsod at lalawigan, itinaas sa Alert Level 3

0
269

Dalawampu’t walo pang lungsod at lalawigan ang itataas sa Alert Level 3 mula Enero 14 hanggang 31, ayon sa Malacañang kahapon.

Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagpasya ang Inter-Agency Task Force (IATF) na itaas ang mga lungsod at probinsya sa Alert Level 3 status sa gitna ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa.

Sa Luzon, ang mga lungsod at lalawigan sa ilalim ng Alert Level 3 ay: Benguet, Kalinga at Abra sa Cordillera Administrative Region (CAR); La Union, Ilocos Norte at Pangasinan sa Region 1 (Ilocos); Nueva Vizcaya, Isabela at Quirino sa Region 2 (Cagayan Valley); Nueva Ecija at Tarlac sa Region 3 (Central Luzon); Quezon Province sa Region 4-A (Calabarzon); Occidental Mindoro at Oriental Mindoro sa Region 4-B (Mimaropa); at Camarines Sur at Albay sa Region 5 (Bicol).

Sa Mindanao, ang mga lungsod at lalawigan sa ilalim ng Alert Level 3 ay: Cagayan de Oro City sa Rehiyon 10 (Northern Mindanao); Davao City sa Rehiyon 11 (Davao); Butuan City at Agusan del Sur sa Caraga; at Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang lahat ng ibang probinsya at lungsod na hindi nabanggit ay mananatili sa ilalim ng kanilang kasalukuyang alert level classification.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.