29 new Omicron cases nakita ng DOH sa returning overseas Filipinos

0
281

Nag ulat ng 29 na bagong kaso ng Omicron ang Department of Health na nakita sa 48 samples na na-sequence noong Enero 2.

Sa joint statement ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) ay nag-ulat ang DOH ng 29 na kaso ng Omicron, 18 kaso ng Delta at isang kasong walang lineage assigned.

Nabanggit ng mga ahensya na ang pinakahuling sequencing run ay binubuo ng mga sample mula sa 19 returning overseas Filipinos (ROFs) at 29 local cases mula sa mga lugar na may case clusters.

“The 29 Omicron variant cases are composed of 10 ROFs and 19 local cases with indicated addresses in the National Capital Region (NCR), bringing the total number of confirmed Omicron variant cases to 43,” ayon sa DOH.

Sa 19 na lokal na kaso, 14 ang aktibo pa rin habang tatlo ang naitalang naka-recoverat may dalawang kaso na ang mga resulta ay tinitiyak pa.

Sinabi ng DOH na biniberipika nito ang mga resulta ng pagsusuri at health status ng lahat ng mga pasahero ng eroplano sinakyan ng ng positibong ROF upang matukoy kung may iba pang nahawa sa mga pasahero at naging symptomatic pagkarating.

View Post

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.