2K pulis nakahanda upang tiyakin ang mapayapang inagurasyon ni Marcos

0
324

Humigit-kumulang 2,000 pulis sa Metro Manila ang ipapakalat upang matiyak na ligtas at payapa ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa National Museum of the Philippines sa Hunyo 30, ayon kay Philippine National Police (PNP) director for operations Maj. Gen. Valeriano de Leon kanina.

Personal niyang ininspeksyon ang pambansang museo bilang bahagi ng paghahanda sa seguridad para sa kaganapan.

Sinabi ni De Leon na binigyang-diin ni PNP officer in charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. ang pangangailangan ng maagang paghahanda upang  maagapan ang lahat ng posibleng senaryo na maaaring makaapekto sa mapayapa at maayos na panunumpa ni Marcos.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa Manila City government at mga kalapit na local government units (LGUs) para sa “no permit, no rally” policy.

Sinabi ni De Leon na ang parehong antas ng paghahanda ay ginagawa din para sa inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte sa Davao City sa Hunyo 19. (PNA)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo