2K VCM nagka-isyu bago magsimula ang botohan

0
272

Nasa 2,000 vote counting machines (VCMs) ang nakatagpo ng ilang isyu bago ang pagbubukas ng mga lugar ng botohan, ayon sa Commission on Elections (Comelec) kanina.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, mayroong 1,867 na VCM ang nag-malfunction at kailangang ayusin.

Humigit kumulang na107,345 na VCM ang ginagamit sa mga botohan  ngayong araw.

Samantala, tinangkilik ng Comelec ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) bilang Special Electoral Board upang manungkulan sa 175 polling precincts sa Cotabato City matapos ang mga orihinal na Electoral Boards (EBs) ay umatras mula sa pagsisilbi para sa botohan kanina dahil sa “perceived threats”.

Sa ilalim ng Election Service Reform Act, sa mga kaso, kung saan ang sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan ay nasa peligro at walang mga kwalipikadong botante na handang maglingkod, ang mga unipormadong tauhan ng PNP ay dapat italaga upang magbigay ng serbisyo sa halalan “bilang huling paraan”.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.