2M doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines, dumating mula sa Estados Unidos kagabi

0
611

Maynila.  Dumating kagabi ang 2,098,980 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines na donasyon ng United States government sa Pilipinas sa pamamagitan ng pasilidad ng COVAX.

“I can only encourage people in the Philippines to get vaccinated, it’s a safe, very effective vaccine and that’s the way our economy and our schools get back to normal,” ayon kay U.S. Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires Heather Variava.

Samantala, pinuri ni UNICEF Deputy Representative Behzad Noubary ang pamahalaan ng Pilipinas sa pagtatagumpay ng layunin  nito na makakuha ng 100M doses ng Covid-19 vaccine hanggang Oktubre. Pinasalamatan naman ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. ang Estados Unidos at ang COVAX sa pinakahuling donasyon nito na dumating kagabi.

Bilang pinakamalaking donor sa COVAX facility, ang Estados Unidos ay nakapagbigay na ng halos 28M doses ng bakuna sa bansa, bukod pa sa 20M doses na direktang ibinigay nito.

“We are very confident that we can have 1 million or 1.5 million jabs a day. Before, we thought having 300 to 500 thousand jabs a day is impossible but right now, we’re able to achieve more or less 700,000 jabs a day.” ayon kay Galvez.

Matapos maibaba ang shipment na bakuna kagabi ay umakyat na sa kabuuang 34,887,870 doses ang dumating na bakuna sa bansa, lampas sa target na 29.5 million doses na na inaasahang darating sa buwan ng Oktubre.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.