3.6-M doses ng biniling Moderna at AstraZeneca vaccines, dumating sa PH kagabi

0
287

Tinanggap ng Pilipinas noong Biyernes ang kabuuang bilang na 3,646,600 dosis ng mga bakunang Astrazeneca at Moderna na binili ng pambansang pamahalaan at mga pribadong sektor, kagabi, Disyembre 10, 2021.

Sa mga pinakabagong shipment na ito, 698,600 na AstraZeneca doses ang nakuha ng pribadong sektor. Samantalang sa 2,948,000 na dosis ng mga bakunang Moderna na dumating – ang pinakamalaking delivery ng Moderna, Inc. sa Amerika. Ang 2,102,000 doses dito ay binili ng gobyerno at ang 846,000 doses naman ay binili ng pribadong sektor.

Kasama ang nabanggit na delivery, umabot na sa 155,071,570 ang kabuuang bilang ng COVID-19 doses na natanggap ng Pilipinas mula noong Pebrero

“The US government really supports the Department of Health and the Philippine government in the fight against COVID-19 in accelerating the vaccinations of the target population. We’re here to further support the Philippine government in the health needs of the Filipino people,” ayon kay Yolanda Oliveros, USAID deputy health director sa isang panayam noong dumating ang mga bakuna.

Ayon naman kay Jannette Jakosalem, Zuellig Pharma market managing director, 16 million na Moderna vaccine doses na ang nabibili ng pamahalaan at mga pribadong sektor.

Kaugnay nito, sinabi ni National Task Force against COVID-19 special adviser Dr. Teodoro Herbosa na ang pinakabagong mga paghahatid ng bakuna ay gagamitin para sa kampanya ng pagbabakuna ng ‘Bayanihan Bakunahan’ na nakatakda mula Disyembre 15 hanggang 17 na naglalayong ma- inoculate ang 7 milyong Pilipino.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.