3.6M estudyante apektado ng suspension ng in-person classes dahil sa matinding init ng panahon

0
196

Mahigit tatlong milyong mag-aaral mula sa 14 na rehiyon ang apektado dahil sa suspensyon ng in-person classes dahil sa matinding init ng panahon.

Sa ulat ng Department of Education (DepEd), nakita na 5,288 paaralan ang nagdeklara ng paglilipat sa alternative delivery modes katulad ng online classes at modular learning. Apektado rito ang 3,648,472 estudyante.

Nauna nang nagpaalala ang DepEd sa mga paaralan at lokal na pamahalaan na may kapangyarihan sila na magdeklara ng suspensyon ng klase kung hindi angkop ang kasalukuyang panahon sa pag-aaral sa classroom.

“Given that DepEd supervises more than 47,000 schools nationwide, it is in the best interest of the learning community to have localized assessments for timely response and interventions to ensure the welfare of learners and personnel,” ayon sa pahayag ng DepEd nitong Martes, Abril 2.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo