Calamba City, Laguna. Tatlong biktima ng pamamaril sa magkakahiwalay na insidente ng karahasan sa mga bayan ng San Pedro sa Laguna at Candelaria sa Quezon ang inulat sa mga awtoridad kahapon.
Unang naiulat ang pamamaslang sa isang nagngangalang Melford Basa ng Barangay Sampaguita , San Pedro dakong ika 1.30 ng madalang araw kahapon.
Ang biktima, ayon sa mga nakasaksi ay nasa labas ng kanyang bahay at hawak ang kanyang cellphone ng dumating ang suspect na naka-long sleeves na pang itaas at pagbabarilin ang biktima. Naglalakad lang palayo ang suspek mula sa crime scene, ayon sa report.
Sa bayan ng Candelaria, Quezon, magka-angkas sa motorsiklo ang magkaibigang Antonio S. Ilagan at Ericksel Rago, pawang residente ng Brgy. Concepcion 1, Sariaya ng tambangan at pagbabarilin ng dalawang kalalakihan sa kahabaan ng Maharlika HIghway, Barangay Mangilag Sur, Purok 6. Ayon sa paunang imbestigasyo, isang 45 at .38 revolver ang ginamit sa pamamaril.
Nakatakas ang mga salarin kung kaya at agad na nagkasa ng manhunt operation ng Candelaria Municipal Police Station.
Kaugnay nito, ipinag utos ni Police Regional Office 4A Director PBGen Antonio Yarra, Calabarzon, PNP Director na isagawa ang agarang paghuli sa mga suspek ng mga naiulat na pamamaril.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.