3 Army rescue team naghahanap pa rin sa nawawalang Cessna plane

0
639

Sinabi ng Philippine Army (PA) nitong Lunes na pinaghahanap pa rin ng tatlong search and rescue teams mula sa 5th Infantry Division ang Cessna 206 at ang mga pasahero nito na nawawala sa Isabela noong nakaraang linggo.

Ang mga pangkat na ito ay mula sa 95th Infantry Battalion, ayon sa tagapagsalita ng Army na si Col. Xerxes Trinidad sa isang pahayag.

“Three search and rescue teams from the 95 Infantry Battalion, 5th Infantry Division continue to search for missing passengers of the plane that went missing en route to Maconacon Airport in the eastern seaboard of Isabela,” dagdag niya.

Sinabi ni Trinidad na dalawang squad na binubuo ng siyam na tauhan at 10 tauhan ang bawat isa ang naglilibot sa hinterlands ng Brgy. Sapinit habang ang ikatlong iskwad, na binubuo ng 15 tauhan, ay kasalukuyang naghahanap sa mga kagubatan ng Brgy. Dicaruyan, pawang sa Divilacan.

Nawala ang eroplano matapos umalis sa Cauayan Airport sa Isabela noong hapon ng Enero 24.

Ang Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ay naglunsad ng malawakang search and rescue operations sa anim na tao kabilang ang piloto na nakasakay sa nawawalang eroplano.

“The Army leadership commended the search and rescue teams and other responders for working tirelessly to locate and save the missing passengers amid the inclement weather and the rugged terrain of Sierra Madre,” ayon kay Trinidad.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.