Calamba City, Laguna. Arestado ang tatlong gunrunner sa isang entrapment operations ng pinagsanib na pwersa ng Regional Intelligence Division (RID), Regional Special Operations Unit (RSOU) at Imus City Police Station.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Lyle Irish Peña, 31 anyos, manager ng Gundex Gun Store; Jazon Gamazon, 37 anyos, pawang mga residente ng Caloocan City; at Romar Bejasa, 29 anyos na residente ng Brgy. San Isidro, Montalban, Rizal, ayon sa sa ulat na isinumite ni PCOL Noel Nuñez, Chief ng Regional Intelligence Division kay Police Regional Office 4A (CALABARZON) Regional Director, PBGEN Antonio C Yarra.
Nakuha sa kanila ang caliber.9mm Taurus na may serial no. TJR 33730 na may magazine at laser; isang kalibre .9mm Taurus G3 na may serial no. ACD 753247, na may dalawang magazine at isang reloader na may case; isang kalibre .45 Armscor na may serial no. 1200314 walang magazine ngunit may case; isang AKKAR Altay shotgun na may serial no. 13110755; isang CZ Scorpion Evo 3 S1 .9mm Lugger Carbine rifle na may serial no. F002418 na may magazine; sari-saring mga katalogo ng baril; at isang metallic orange na Toyota Vios na may plate no. NDX 9362.
Ang operasyon ay itinaguyod sa pamamagitan ng serye ng validation at surveillance laban sa mga suspek hinggil sa kanilang iligal na pagbebenta ng mga baril. Isinagawa ang buy-bust operation bandang alas-4:00 ng hapon ng Abril 1, 2022 sa parking lot sa likod ng All Home Furniture and Supermarket sa Brgy. Palico 4, Imus City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong nabanggit na suspek.
Kakasuhan sila ng paglabag sa Section 32 (Unlawful Manufacture, Importation, Sale or Disposition of Firearm or Ammunition) ng RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act kaugnay ng COMELEC gun ban.
Samantaka, pinuri Chief PNP Gen. Dionardo Carlos ang PRO CALABARZON sa pamumuno ni PBGen Yarra, at iginiit ang patuloy na pagkilos laban sa mga iligal na baril
“Selling illegal firearms is strictly prohibited. By arresting these law offenders, we will be able to minimize crimes involving use of firearms thus enhancing our Anti-criminality campaign. On the other hand, it will also ensure safe National and Local Elections,” dagdag pa niya.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.