3 hijacker ng tanker ng gasolina, hinabol at nalambat ng Quezon PNP

0
307

Sariaya, Quezon. Huli ang tatlong suspek na hijacker ng tanker na naglalaman ng 10,000 litrong unleaded gasoline matapos silang habulin ng mobile patrollers ng Municipal Police Station MPS) sa bayang ito.

Kinilala ni PBGEN Candido Yarra, Regional Director fng Police Regional Office 4A CALABARZON, ang mga suspek na sina Vincent Reyes 31 anyos na residente ng Brgy Lual Barrio, Mauban, Quezon, Phillip Magtanggol alyas Joli  at isang alyas Joey.

Ayon sa paunang imbestigasyon, bandang 4:15 ng madaling araw kanina, patungo sa Lucena City ang tanker na pag aari ng 4M Transport & Sales Corporation at naglalaman ng halagang Php 1,526,000.00 ng gasolina mula sa Azora Depot (Azora Holdings Inc) sa Brgy. Castañas, sa nabanggit na bayan ng makisakay ang mga suspek at diumano ay bababa sa Eco Tourism Road. Matapos makasakay, tinutukan ng baril, iginapos at pinalipat sa likurang upuan ang driver na si Eman Dizon Molejon 28 anyos na residente ng Brg.y Santa Catalina, Atimonan, Quezon. 

Ibinaba ng mga suspek ang driver sa isang lugar sa Sariaya kung saan ay nadaanan siya ng mga nagpapatrulyang pulis ng Sariaya MPS.

Kasunod nito, hinabol ng mga patrol police ang tanker sa junction ng Eco Tourism Road, Brgy Manggalang Bantilan, Sariaya, Quezon at ng aabutan na sila ay tumalon ang mga suspek mula sa tanker at tumakbo sa isang madilim at madamong lugar ngunit hinabol sila ng mga pulis at nadakip.

Patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon habang nakakulong sa Sariaya MPS ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso. Samantala, ang driver na biktima ay idiniklarang ligtas at walang sugat, ayon sa report ni Sariaya Police Chief Col. William Angway.

Larawan ng sandals ng suspek na tumalon mula sa tanker at tumakas sa lugar ng insidente.
Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.