Antipolo City. Nakumpiska ng pinagsanib pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency 4A at ng Rizal Intelligence unit ang isang milyong pisong halaga ng shabu sa tatlong karpintero sa ilalim ng isang buy bust operation kahapon sa Purok 4, Zone B, Barangay Cupang, lungsod na ito.
Kinilala ni PCol. Dominic L. Baccay, direktor ng Rizal Police Provincial Office ang mga suspect na sina Roger Telan, 32; David Angeles, 26; at Andrew Melbas, 27 na pawang mga residente ng nasabing lugar.
Ayon kay Baccay,matagal ng nasa drug watchlist ng kanilang tanggapan ang tatlong nabanggit na suspect at ayon sa mga report ay sila ang supplier ng mga drug peddlers na nagdadala ng droga sa mga bulubunduking barangay ng Antipolo.
Batay sa impormasyon ibinigay ng isang confidential agent ng Rizal PNP, agad na nakipag tulungan ang Rizal.PNP sa PDEA upang isagawa ang entrapment operation na nagresulta sa pagdakip ng mga high value targets.
Nahuli sila sa isang abandonadong gusali sa nabanggit na at nakuha sa kanila ang mga pakete ng shabu na may street value na isang milyong piso.
Nakakulong ngayon sa Antipolo custodial center ang tatlong suspect habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanila.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.