3 Kasapi ng teroristang grupong NPA, sumuko sa Cavite

0
292

MARAGONDON, Cavite. Kamakalawa ng hapon, kusang loob na sumuko sa pulisya ang tatlong miyembro ng Communist Terrorist Group-New People’s Army (CTG-NPA) sa bayang ito sa lalawigan ng Cavite.

Kinilala ng awtoridad ang tatlong sumuko na sina Mizpeh Sibay, 53 anyos, Emelita Selaras, 56 anyos, at Rolando Domingo, 53 anyos, pawang mga residente ng Pinagsanjan B, Maragondon Cavite.

Sa ulat ni Police Captain Dennis A Labrador ng Cavite Provincial Mobile Force Company (PMFC), bandang 1:30 ng hapon nang personal na magtungo sa himpilan ng pulisya ang tatlong miyembro ng CTG at kusang loob na sumuko. Dala nila ang isang improvised shotgun na kanilang isinuko rin sa mga otoridad.

Ayon sa impormasyon, ang tatlong miyembro ng CTG-NPA ay mga kasapi rin ng “Kamagsasaka” sa Brgy. Pinagsanjan B, Maragondon.

Sa kanilang pahayag, binanggit ng tatlo na nais na nilang kalimutan ang kanilang dating buhay at sumuko sa kadahilanang nagnanais na silang mamuhay ng tahimik at normal.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.