3 lalaking sakay ng tricycle, patay matapos rataratin ng bala

0
221

SAN ILDEFONSO, Bulacan. Patay agad ang tatlong kalalakihan matapos umanong pagbabarilin ng mga hindi nakikilalang salarin.

Sa ulat ng pulisya, ang tatlong biktima ay sakay ng kanilang tricycle nang sila’y biglang pinagbabaril sa Purok 7, Brgy. Basuit, sa nabanggit na bayan, bandang alas-6:10 ng umaga kahapon, Marso 16.

Ang kanilang tricycle ay hinabol pa ng mga suspek hanggang sa maabutan at pagbabarilin ito na agad nilang ikinamatay, pahayag ng mga awtoridad.

Narinig ng ilang residente ang mga putok ng baril habang sila’y namimitas ng kanilang pananim.

Dumating ang mga pulis sa lugar at nakita sa loob ng tricycle ang mga used electrical wires, ayon pa rin sa report.

Hinihinala na pagnanakaw ng kable ng kuryente ang hinihinalang motibo ng krimen. Gayon pa man, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulisya upang alamin ang buong katotohanan sa likod ng insidente.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.