3 miyembro ng NPA patay sa 25 minutong pakikipag bakbakan sa mga sundalo sa Quezon

0
376

Gen. Nakar, Quezon. Naganap ang isang engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at miyembro ng CPP-NPA-NDF sa Sitio Lagmak, Brgy Pagsangahan, sa bayang ito sa lalawigan ng Quezon.

Ang bakbakan ng tumagal ng 25 minuto ay nagresulta sa pagkamatay tatlong miyembro ng mga rebeldeng CPP/NPA/NDF na kabilang sa Kilusang Larangang Gerilya Narciso at Executive Committee, Sub-Regional Military Area 4A na pinamumunuan ni Janice Javier Alyas Yayo o Tax at Noel Madrigalejos Alyas Luis, Selmo, Miro, Ara, Yoyong na nago-operate sa Hilagang Quezon.

Kabilang sa mga nasamsam pagkatapos ng labanan ang isang M16 Rifle na mayroong nakakabit na M203 grenade launcher, isang R4 Assault Rifle at isang M16 Rifle at mga bala kasama ang mga subersibong dokumento.

Wala namang nasaktan sa hanay ng mga sundalo habang patuloy na tinutugis ang mga tumakas na rebelde.

Kaugnay nito, nagpapasalamat si Escandor sa mga mamamayan ng nasabing barangay sa pagbigay ng tumpak na impormasyon na lubhang nakatulong sa pagtukoy ng mga pinagtataguan ng teroristang CPP/NPA/NDF. 

Patuloy pa din ang panawagan ng Commanding Officer ng 1IB sa mga natitirang rebeldeng NPA na iwanan na ang armadong pakikibaka at samantalahin ang mga benepisyo sa ilalim ng programang Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) sa pamumuno ni Gen. Nakar Mayor Eliseo R. Ruzol Sr.

Mariin din niyang ipinahayag na hindi hahayaan ng 1IB na “manaig ang mala-dyablong kasamaan na dulot ng CPP/NPA/NDF sa nasasakupang lugar ng operasyon bagkus ay lalo pang palalakasin ang mga operasyon upang sugpuin ang mga nalalabing mga terorista na tumatanggi sa pangmatagalang kapayapaan na matagal ng inaasam-asam ng sambayanan.”

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.