3 most wanted sa Calabarzon arestado sa Batangas

0
403

Batangas City.  Arestado ang tatlong most wanted persons na rape suspects sa Calabarzon sa magkakahiwalay na operasyon at lugar noong Linggo sa Batangas.

Kinilala ni Batangas Police Provincial director Col. Pedro Soliba ang tatlong suspek na sina Ronald Atienza, 29 anyos na tricycle driver at residente ng Brgy. Catandala, Batangas City; Justine Dipon, 29 anyos na construction worker at residente ng Brgy. Alangilan, Batangas City, at Bryan Nao, 29 anyos na driver at residente ng Brgy. 2 sa Lipa City.

Nahuli si Atienza sa warrant of arrest para sa tatlong kaso ng statutory rape at acts of lasciviousness. 

Kinasuhan naman si Dipon sa salang pangagahasa sa 12-anyos na batang babae noong May 11, May 13, May 15, at May 18, 2022 sa magkakaibang lugar sa Batangas City. Naaresto siya sa San Pascual, Batangas ng joint police forces.

Nahuli naman si Nao sa Lipa City sa Barangay Mataas na Lupa.

Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay resulta ng walang humpay na manhunt operation laban sa most wanted persons sa Batangas, ayon kay Soliba.

Nasa kustodiya na ng mga istasyon ng pulis sa probinsya ang mga suspek.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.