3 MWP arestado sa Calabarzon noong Undas

0
240

Calamba City, Laguna. Inaresto ng mga operatiba ng PRO CALABARZON ang 3 Most Wanted Person (MWP) sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya na isinagawa noong Undas, Nobyembre 1, 2022, sa buong rehiyon.

Kinilala ni PRO CALABARZON Regional Director, PBGen Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mga naarestong MWP na sina Randolph Villanueva Bitong; Jean Claude Velasquez Casilisilihan, alyas “Gino”at Felipe Condes Opolentisima Jr, alyas “Jay-R.”

Si Bitong, na inakusahan ng 3 counts ng Qualified Statutory Rape, 3 counts ng Qualified Rape Through Sexual Assault at Acts of Lasciviousness in relation to Republic Act 7610 ay inaresto ng mga operatiba ng Calamba City Police Station, noong Nobyembre 1 , 2022, sa Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna.

Si Casilisilihan na may standing warrant para sa krimen ng Statutory Rape sa Regional Trial Court Branch 1 ng Batangas City ay inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Batangas City Police Station at 2nd Maneuver Platoon 405th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 4A, noong Nobyembre 1, 2022 sa Brgy. Umiray, Gen. Nakar Quezon.

Samantala, si  Opolentisima Jr. na may standing warrant para sa kasong Rape and Act of Lascivious na inisyu sa Family Court Branch 2, Lipa City ay inaresto sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng Batangas Provincial Intelligence Unit, Lipa City Police Station, 403RD Alpha Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 4A at 1st Batangas Provincial Mobile Force Company sa isinagawang operasyon noong Nobyembre 1, 2022 sa Brgy. 1, Lungsod ng Lipa .

Kaugnay nito, pinasalamatan Nartatez ang lahat ng operatiba ng PRO4A matapos ang 3 matagumpay na operasyon na nagresulta sa pagdakip sa mga nabanggit na pugante. 

“Sa kabila ng pananalasa kamakailan ng Bagyong Paeng kung saan naka-deploy ang ating mga tauhan para magsagawa ng rescue, clearing, at relief distribution, hindi naapektuhan ang ating nakagawiang gawain ng pulisya kahit kasabay nito ay naka-deploy ang ating mga tropa para tiyakin ang seguridad ng Undas. Walang bagyo o baha, walang holiday ang makakapigil sa atin na tugisin ang mga kriminal na ito upang mapanatili ang batas,” ayon kay Nartatez.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.