Ibaan, Batangas. Namatay ang tatlong biktima matapos mabundol ng sasakyan na minamaneho ng hinihinalang lasing na driver sa bayang ito kahapon.
tatlong tao ang namatay matapos mabundol ng kotse sa bayan ng Ibaan, kahapon din.
Nakatayo sina Joselito Jr., John Ivan at Jeremy sa harap ng kanilang sasakyan na nakaparada sa isang vulcanizing shiop sa kahabaang ng Brgy. Matala sa nabanggit na bayan ng sila ay sagasaan ng rumaragasang Toyota Elantra.
Samantala ang mga sakay ng nang ararong sasakyan na sina Josephine Bayos, 43; Si Princess Tijaon, 21, at isang 17-anyos na lalaki mga nasugatan at dinala sa Queen Mary Hospital.
Sugatan din ang driver ng sasakyan na si John Erick Berberabe, 29, na diumano ay lasing umano ng mangyari ang aksidente.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.