3 Pinoy patay, 5 sugatan sa sunog sa Taiwan

0
262

Taiwan. Tatlong Pilipino ang nasawi at lima ang nasugatan dahil sa sunog sa isang food factory sa Taiwan, ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chair Silvestre Bello III kahapon.

Ang mga namatay ay kinilalang sina Renato Larua ng Cavite, Nancy Revilla ng Marinduque, at Aroma Miranda ng Tarlac.

Nasa maayos na kalagayan ang limang Pilipinong nasugatan sa sunog maliban kay Maricris Fernando na nasa ICU ngayon.

Kaugnay nito, nagbibigay ang MECO ng tulong sa mga pamilya ng mga biktima mula sa Philippine at Taiwanese governments.

Sinabi ni Bello na kasalukuyang isinasagawa ang  pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng pulisya hinggil sa imbestigasyon at para sa mabilis na pagpapauwi sa labi ng mga nasawi.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.