3 Pinoy sa Red Sea at 1 sa Israel, patay sa magkahiwalay na pag-atake

0
515

MAYNILA. Iniimbestigahan na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang ulat na tatlo sa 21 Filipino seafarer na sakay ng MV Eternity C ang napatay sa missile attack ng mga rebeldeng Houthi habang naglalayag sa Red Sea malapit sa Yemen.

Ayon kay DMW Undersecretary Bernard Olalia nitong Hulyo 11, hindi pa kumpirmado ang pagkamatay ng tatlo sa 13 nawawalang seafarer. “We strongly believe that they are still alive because their companions who survived there for more than 48 hours, floating, were rescued, and hopefully, we can also save most of those who are missing,” aniya sa isang news forum.

Dagdag pa niya, iniimbestigahan na ng ahensiya ang testimonya ng walong nasagip na crew member upang matukoy ang aktuwal na bilang ng mga nasawi sa insidente. “They will say that someone died on the ship during the missile attack, and maybe there are missing people whose whereabouts are not yet known,” paliwanag niya.

Patuloy din umano ang koordinasyon ng DMW sa Department of Foreign Affairs at Department of National Defense para sa isinasagawang search and rescue operations sa mga nawawala pang tripulante.

“One of our challenges is that we know that the Houthis have taken some. The problem is, we don’t know the exact number they have captured so we can’t say how many more we should look for,” ayon pa kay Olalia.

Samantala, kinumpirma naman ng Philippine Embassy sa Israel ang pagkamatay ng isang Filipina caregiver na si Leah Mosquera, 49, matapos ang halos isang buwan sa ospital dahil sa tinamong malulubhang pinsala sa Iranian missile attack sa Rehovot noong Hunyo 15.

Sa pahayag ng embahada na inilabas nitong Linggo, sinabi nilang si Mosquera, tubong Negros Occidental, ay isinugod sa Shamir Medical Center at ilang linggo ring nasa Intensive Care Unit bago pumanaw.

“During this time, she was lovingly cared for by her sister Joy, who also works here in Israel. Joy shared the sad news of her sister’s passing and consented to the release of the information to the public,” ayon sa embahada.

Si Mosquera ay nakatakdang magdiwang ng kanyang ika-50 kaarawan sa Hulyo 29. Inaasikaso na ngayon ng embahada ang repatriation ng kanyang mga labi at tiniyak ang pagbibigay ng kinakailangang tulong sa kanyang pamilya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.