3 Quezonian, kinilala sa pag uuwi ng medalya sa SEA Games

0
175

Lucena City, Quezon. Tinanggap ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang pagkilala para sa dalawang Quezonian na nagdala ng karangalan sa bansa mula sa kamakailang 32nd Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa Cambodia.

Muling nagpamalas ng kanilang husay sa Soft Tennis ang magkapatid na Noelle Nikki Camille Zoleta at Noelle Conchita Corazon Zoleta-Manalac mula sa Lungsod ng Lucena.

Nakuha ni Noelle Nikki Camille ang Gintong Medalya para sa Team Event at Pilak na Medalya para sa Singles Category. Samantala, nagwagi naman ng gintong medalya si Noelle Conchita sa Team Event at Double Category.

Personal na kinilala nina Quezon Gov. Helen Tan at Vice Governor Third Alcala ang magkapatid at ibinigay sa kanila ang plake ng pagkilala at cash incentive bilang pagkilala sa kanilang tagumpay na inihatid sa kanilang probinsya.

Nag uwi naman ng bronze medal si Rogielyn Parado ng Mauban sa Women’s Standing Class C (55kg-60kg) competition at pinarangalan sa isang bukod na pagbisita ng atleta. 

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.