3-year registration validity ng mga bagong motorsiklo, aprubado

0
321

Pinahintulutan ng Land Transportation Office (LTO) na makakuha ng  three-year registration ang mga bagong motorsiklo na may engine displacement na hindi bababa sa 200 cubic centimeters (cc), na ayon sa ahensya ay pakikinabangan ng halos 2 milyong unit.

Sinabi ng LTO nitong Linggo na palalawigin ng Memorandum Circular JMT-2023-2395 ang three-year registration validity, dahil sa kasalukuyan ay pinapayagan lamang ito para sa mga motorsiklo na hindi bababa sa 201cc.

“Hindi natin nakikitang magkakaroon ng problema sa roadworthiness ang mga motorsiklong may tatlong-taong rehistro dahil ang mga ito naman ay bagong sasakyan,” ayon kay LTO Chief Jose Arturo “Jay Art” Tugade.

“Kami sa LTO ay naniniwala na ang hakbang na ito’y makatutulong sa maraming drayber na nagpapa-rehistro ng bagong motorsiklo para magamit sa kanilang hanapbuhay o trabaho,” dagdag niya.

Ayon kay Tugade, alinsunod ang bagong memorandum circular sa pagsisikap ng ahensya na pabilisin ang mga proseso at padaliin ang transaksyon nito sa publiko.

“Magpapatuloy po ang pag-aaral sa mga umiiral na polisiya at panuntunan. Kung kailangan po itong baguhin tungo sa ikagaganda ng sistema ay handa po namin itong gawin,” ayon sa kanya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.