300 distressed OFWs sa Kuwait ang nakatakdang i-repatriation

0
247

Target ng Department of Migrant Workers (DMW) na maiuwi ang hindi bababa sa 300 sa 421 distressed overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait ngayong buwan.

Nasa Kuwait si DMW Undersecretary for Foreign Employment and Welfare Services Hans Cacdac, Overseas Workers Welfare Administrator Arnell Ignacio at Social Welfare Attaché Bernard Bonino upang suriin ang mga OFW na nananatili sa bahay na pinapatakbo ng gobyerno na Bahay Kalinga shelter.

“Of the 421, we are looking at the possibility of repatriating about 300 at the most in the next two weeks,” ayon kay Cacdac sa isang online press briefing.

Ang paunang 100 bumalik ay uuwi kasama ang DMW team sa Martes ng hapon.

Sinabi ni Cacdac na tinitingnan din nila ang posibilidad ng isang pansamantalang pangalawang silungan upang maremedyuhan ang pagsisikip ng Bahay Kalinga habang nagpaplano para sa isang mas malaking site.

Ang Bahay Kalinga ay kayang tumanggap ng 250 hanggang 300.

“Admittedly, marami ngayon ang naninirahan sa shelter kaya nga agad nating binibigyan ng solusyon sa paghanap ng temporary shelter. Temporary na paglilipatan at permanenteng shelter,” ayo kay Cacdac.

Sinabi ni Cacdac na tiniyak ng mga awtoridad ng Kuwait, na kanilang nakaharap noong Linggo, ang mabilis na pagproseso ng mga clearance.

Napag-usapan din ng mga opisyal ng DMW at ng mga awtoridad ng imigrasyon noong Lunes ang pagpapalabas ng mga exit visa.

Dahil ang focus ng DMW ay nasa kapakanan at proteksyon ng mga OFW, sinabi ni Cacdac na tinitingnan nila ang ilang legal na aksyon na maaaring isampa laban sa mga abusadong employer, tulad ng mga kaso ng hindi pagbabayad ng sweldo o hindi kumpletong sahod.

“We will definitely endorse legal actions in certain situations,” ayon sa kanya. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.