30th wave ng ayuda para sa Pagsanjeño, ipinamahagi

0
323

Pagsanjan, Laguna.  Tumanggap ng 30th wave ng ayuda ang 16 na barangay sa bayang ito sa pangunguna ni Vice Mayor Girlie Maita J. Ejercito kasama si Pagsanjan Municipal Health Officer Dr. Lyra Torres.

Kabilang sa mga ipinamahagi ng nabanggit na vice mayor sa mga pinuno ng barangay ang medical supplies at equipment tulad ng  wheelchair, nebulizer, medical oxygen tank with oxygen, medical oxygen regulator, pulse oximeter, non-contact thermometer, blood pressure apparatus at aneroid.

Ang pondong ibinili ng mga kagamitang pangkalusugan ay galing sa isang milyong piso na realigned budget na pambili sana ng sasakyan para sa sangguniang bayan dito. 

Ang paglilipat ng pondo ay iminungkahi ni Vice Mayor Ejercito at pinag aralan ng finance committee ng sanggunian sa pangunguna ng mga konsehal dito na sina Melvin Madriaga, Januario Ferry Garcia at Nat Bernales na sinang ayunan naman ng buong kapulungan.

“Higit na mahalaga ang mabilis na pagtugon sa pangangailangan laban sa epidemya kaysa sa sasakyan ng sangguniang bayan kung kaya’t nagkaisa kami na bigyan ng prayoridad ang mga medical equipment na kailangan ng mga barangay,” ayon kay Vice Mayor Ejercito.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.