31 lugar makararanas ng super init ngayong araw

0
256

Sinabi ng PAGASA ngayong Miyerkules, Abril 24, na hindi bababa sa 31 lugar ang inaasahang makakaranas ng peligrosong heat index ngayong araw.

Kahapon, ikinakita na mayroong 16 na mainit na lugar, ngunit ngayon, lumago na ito sa 31 na lugar.

Sa pinakahuling pag-aaral ng heat index ng PAGASA, itinukoy ang mga sumusunod na lugar kung saan inaasahang tataas ang temperatura mula 42°C hanggang 45°C:

Dagupan City, Pangasinan — 44°C

Bacnota, La Union— 42°C

Tuguegarao City, Cagayan — 43°C

Echague, Isabela — 43°C

Clark Airport, Pampanga — 42°C

Muñoz, Nueva Ecija — 43°C

Baler, Aurora — 42°C

Casiguran, Aurora — 42°C

Subic, Olongapo City — 42°C

Sangley Point, Cavite — 43°C

Tanuan, Batangas — 42°C

Infanta, Quezon — 42°C

Calapan, Oriental Mindoro — 42°C

San Jose, Occidental Mindoro — 42°C

Coron, Palawan — 42°C

Puerto Princesa, Palawan — 44°C

Aborlan, Palawan — 44°C

Virac, Catanduanes — 43°C

Masbate Ciy, Masabate — 42°C

Pili, Camarines Sur — 43°C

Roxas, Capiz — 45°C

Iloilo City, Iloilo — 42°C

Dumangas, Iloilo — 42°C

Guiuan, Silangang Samar — 43°C

Dipolog, Zamboanga del Norte — 43°C

Zamboanga City, Zamboanga del Sur — 45°C

Davao City, Davao del Sur — 42°C

Cotabato City, Maguindanao — 43°C

Butuan City, Agusan del Norte — 43°C

Ang heat index ay isang sukatan ng temperatura na nararamdaman ng tao, na nagmumula sa halumigmig pati na rin sa temperatura ng hangin. Ayon sa PAGASA, ang mga heat index na umabot sa 42°C hanggang 51°C ay itinuturing na “peligroso,” na maaring magdulot ng heat stroke at heat exhaustion.

Tulad ng laging ipinapayo ng PAGASA, limitahan ang aktibidad sa labas, uminom ng tamanag dami ng tubig, at magsuot ng preskong damit upang maprotektahan ang sarili laban sa epekto ng matinding init.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo