325 PNP personnel, nakarekober sa Covid-19

0
314

Nakarekober mula sa coronavirus disease ang 325 na mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na nagtaas sa kabuuang bilang ng mga gumaling sa 46,737.

Ayon sa pinakahuling datos ng PNP sa Covid-19 na inilabas noong Martes, nakapagtala ito ng 208 bagong impeksyon at 1,489 na aktibo sa kabuuang 48,353 mula nang magsimula ang pandemya noong 2020.

Umakyat na sa 127 ang mga naitalang nasawi, matapos ang maireport na pumanaw ang isang miyembro ng PNP na isang 39-anyos na babaeng pulis na nakatalaga sa Zamboanga City.

Ang biktima, na ganap na nabakunahan ng Covid-19 jabs bukod sa isang flu shot, ay may comorbidities na sakit sa bato at diabetes.

Nagpositibo siya sa Covid-19 noong Enero 24 at namatay sa Zamboanga City Medical Center makalipas ang dalawang araw.

Ayon pa rin sa report, 218,487 o 97.02 porsyento ng mga tauhan ng PNP ay ng ganap na nabakunahan laban sa coronavirus; 5,798 o 2.57 porsyento ang naghihintay pa ng kanilang pangalawang dosis; at 89,119 o 40.79 porsyento na ang nakatanggap ng booster shots.

Humigit-kumulang 917 o 0.41 porsiyentong pulis na lamang ang wala pang bakuna.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.