33 bahay inanod ng baha sa Laguna

0
385

LILIW, Laguna. Mahigit sa 100 katao ang napilitang lumikas matapos anurin ng malakas na agos ng tubig ang 33 kabahayan sa Brgy. Bayate sa bayang ito dakong10:00 noong Lunes ng gabi.

Ayon sa pahayag ng mga opisyal ng nasabing barangay, napilitang lumikas ang mga residente matapos tuluyang lamunin ng baha ang tulay na kahoy sa Lapad River. Umapaw ang tubig sa ilog at tinangay ng agos sa mga maliliit na bahay.

Kasalukuyang nakikisilong sa evacuation center ang mga apektado ng umapaw na ilog habang tinutulungan ng lokal na pamahalaan ng Liliw.

Ayon sa mga residente sa lugar, ilang araw nang mataas ang level ng tubig sa nasabing ilog at hindi na nakayanan ng lumang tulay na kahoy ang walang tigil na buhos ng ulan nagsanhi ng mataas na baha sa nasabing barangay.

Ayon sa tala ng Laguna provincial disaster risk reduction management office, isang linggo nang umuulan sa mga bayan na nasa paanan ng bundok Banahaw kung kaya at umapaw ang mga ilog sa naturang lugar.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.