36 na sabungero, arestado sa ilalim ng anti illegal cockfighting ops ng Laguna PNP

0
386

Sta. Cruz, Laguna.  Arestado ang 37 na sabungero sa ilang serye ng anti-illegal gambling operations na isinagawa ng Laguna PNP sa mga lugar ng tupadahan sa lalawigan ng Laguna kahapon. 

Sa aktong nagtutupada, dinakip ng mga tauhan ng San Pablo City Police Station sa pangunguna ni PLTCol Garry C. Alegre sina Rodolfo Tabora Artificio, Cyrus Anggay Arida, Efren Maula Barcenas, Jeffrey Barino Armenta at Manolito Cara Baet, on 11:52 sa  Barangay Del Remedio sa nabanggit na lungsod.

Dinakip din Brgy. Kay Anlog sa Calamba ng mga tauhan ng Calamba City Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCol Arnel L. Pagulayan sinaMarlon Mico, Rodel Fajardo, Ariel Brolagda, Ramel Estañol, Reynaldo Tolentino, Rodrigodo Santor, Joel Loey, Elizalde Llorera, Pepito Reyes, Manolito Bautista atJohn Mikael Talaroc na pawang mga residente ng Calamba, Laguna.

Sa isa pang bukod na operasyon laban sa iligal na tupada, sa nabanggit ding lungsod ay nahuli naman sina Donald Pecayo, Dino Pacheco, Marvin Hinggan, Teodoro Suarez, Allan Libre, Dario Jaso na pawang naninirahan sa Calamba. 

Sa Biñan City, inaresto ng mga elemento ng police station dito sa pangangasiwa ni PLTCol Jerry B. Corpuz sina Antonio Arcibal Jr., Chirstoper Joven, John Mark Camacho, Jeffrey Aseron, Mark Ian Aquillo, Rominic Joven at Ronnel Dalagan South City Homes, Brgy. Sto. Tomas, Biñan City, Laguna.

Sa isa pang operasyon, nadakip din sa tupadahan ng mga pulis ng Nagcarlan Municipal Station sa pangunguna ni PMaj Joemar S. Pomarejos sina Mark Joseph Nania, Buenaventura Puma, Edu Dorado, Rolando Costa, Maynardo Cabela, Pedro Mandapat  Jr at Jobert Piamonte sa Brgy. Banca- Banca, Nagcarlan, Laguna.

Nakumpiska sa mga dinakip ang perang pantaya, mga manok na panabong at mga tari.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa mga nakakasakop na police station at nakatakda silang sampahan ng kasong paglabag sa  PD 1602 sa mga tanggapan ng piskalya sa kani kanilang lugar, ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director PBGEN Antonio C. Yarra.

“Laguna PNP will resolve the illegal gambling activities in the vicinity of Laguna.  Gamblers will be apprehended lawfully and penalized for their illegal actions,” ayon sa mensahe ni Campo.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.