Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroong apat na kaso ng mycoplasma pneumoniae o mas kilala bilang “walking pneumonia” sa Pilipinas sa loob ng taong ito.
Batay sa datos ng DOH, naitala ang unang kaso ng mycoplasma pneumoniae infection noong Enero, isa noong Hunyo, at dalawang kaso noong Setyembre. Ang mga kaso na ito ay kabilang sa kategoryang influenza-like illness sa bansa.
Sa isang pahayag ni Health Secretary Ted Herbosa noong Martes, nilinaw nito na wala pang outbreak ng mycoplasma pneumoniae sa Pilipinas, kahit na lumalala ang bilang nito sa ibang bansa tulad ng China.
Pinunto rin ng DOH na ang mycoplasma pneumoniae ay hindi bago sa bansa at may mga naunang mga kaso na itong naitala.
Noong nakaraang linggo, binanggit ni Health Undersecretary Eric Tayag na ang nasabing bacterial infection ay isa sa mga dahilan ng pagtaas ng kaso ng respiratory illness sa China, partikular sa mga kabataan, na mayroong mga sintomas na katulad ng COVID-19.
“Inii-label ito bilang ‘walking pneumonia’ dahil pakiramdam mo na okay ka, maliban sa COVID, ito ay madaling mag-progress patungo sa isang mas malubhang kondisyon,” pahayag ni Tayag.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo