4 na bangkay natagpuan sa loob ng kotse sa Rizal

0
648

Rodriguez, Rizal. Natagpuan sa loob ng isang kotse ang apat na bangkay sa Sitio Licao- Licao, Barangay Macabud sa bayang ito kamakalawa.

Dalawang bangkay ng babae at dalawang lalaki ang tumambad sa mga pulis ng buksan ang Nissan Almera na may plakang NGU- 1983 matapos ireport ng mga residente.

Ang mga bangkay ay magkakatabi ng matagpuan sa loob ng kotse at pawang may mga tama ng baril sa ulo.

Kinilala ni PLt.Col. Dominic Baccay, Rizal PNP provincial director ang dalawang bangkay ng lalaki na sina Robert Ryan Amarillo, 40 anyos at Carl Pabalan, 51, alias ” Nonoy” na pawang mga taga Quezon. 

Samantala, kasalukuyan pang kinikilala pa ang dalawang biktimang babae.

Ang apat na bangkay ay pawang may mga piringat nakatali ang mga kamay. Nakita rin sa loob ng kotse na malapit sa driver’s seat ang apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, ayon sa ulat ng Rizal police intelligence unit.

Samantala, sinabi ni PB General Jose Melencio Nartatez Jr., direktor ng Calabarzon Regional Police Office na may posibilidad na ang mga biktima ay pinatay sa ibang lugar at itinapon sa lugar ng Rodriguez upang iligaw ang imbestigasyon. Walang bakas ng tama ng bala o gunpowder ang loob at labas ng sasakyan, ayon sa kanya.

Kaugnay nito, ipinag utos ni Nartatez ang mabilis na paglutas sa kaso at alamin kung sino ang mga nasa likod ng krimen.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.