4 na Barangay Tanod at 3 pulis, pinarangalan ni San Pablo City Mayor Amante, SPCPS Chief Alegre

0
974

San Pablo City, Laguna.  Pinarangalan ni San Pablo City Mayor Loreto ‘Amben’ S. Amante at ni San Pablo City Police Station Police Chief PLTCOL Garry C. Alegre ang apat na barangay tanod at tatlong pulis, kaninang umaga sa isang programang isinagawa sa Doña Leonila Urban Park.

Kabilang sa tumanggap ng PNP and Local Government Certificate of Appreciation sina Jeffrey G. Floyalde at Hilario C.Gonzales, mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Barangay VII-B, bilang pagkilala sa pagkakadakip sa isang suspek na lumabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act noong Enero 11, 2022 sa Brgy. VII-B, nabanggit na lungsod. 

Ginawaran din ng parangal sina Ely B. Roco at Armando G. Balderama, miyembro ng BPAT ng Barangay Del Remedio bilang papuri sa pagkaka aresto sa dalawang suspek sa kasong robbery holdup sa Seven Eleven convenience store kamakailan.

Kasabay nito ay pinarangalan din ng San Pablo CPS and Local Government Unit Certificate of Recognition sina PSMS Henrico C. Gaspar, PSSg David M. Vida at PCpl Jerry L. Obapial, mga miyembro ng San Pablo CPS dahil sa epektibong pagpapatupad ng batas hinggil sa kaso ng robbery holdup kung saan ay nahuli ang dalawang suspek na tumangay ng humigit-kumulang na Php 100,000 sa Seven Eleven convenience store.

“Ako po ay sumasaludo sa mga barangay tanod na tumanggap ng parangal sapagkat bihira po ang tanod na nakikipag digma lalo na sa mga kaso ng robbery holdup. Nagpapasalamat po ako sa inyo sa ating kapulisan sa pamumuno ni POlice Chieg Garry Alegre sa pagtataguyod at pagpapanatili ng peace and order sa lungsod ng San Pablo,” ayon kay Mayor Amante.

“This proves that good rapport and cooperation is well-maintained between BPATs and PNP San Pablo therefore, peace and order of the community is attained,” ayon sa mensahe ni PLTCOL Alegre.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.