4 na kubrador arestado; Php 55K na taya nasamsam

0
289

Sta. Cruz, Laguna. Arestado ang apat na kubrador sa kinasang anti-illegal gambling operation ng Biñan City Police Station (CPS) kamakalawa.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga dinakip na sila alyas Reynaldo, Ricardo, Romeo, at Melody. Sila ay nahuli sa aktong nangungubra ng taya sa Brgy. Dela Paz, Biñan City, Laguna.

Ayon sa ulat ng Biñan CPS na nasa pamumuno ni Plt Col Virgilio M. Jopia, hepe ng Biñan CPS, kasama ang Provincial Special Operation Unit (PSOU), nakumpiska sa mga suspek ang set of lastillas STL collection report form, tatlong ballpen, calculator, stapler at mga taya na nagkakahalaga ng Php 55,050.00.

Ang mga arestado ay kasalukuyan nasa kustodiya ng Biñan CPS at nahaharap sa kasong kriminal na paglabag sa PD 1602 as amended by RA 9287.

“Ang mga ilegal na pagsusugal ay hindi natin palalampasin dahil ito ay isa sa mga sanhi kaya nakakagawa ng krimen ang isang tao,” ayon kay Silvio.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.