Sta. Cruz, Laguna. Apat na magkakasamang sabungero ang nawala matapos magsabong sa Sta. Cruz Arena sa bayang ito noong Enero 13, 2022.
Ang mga missing persons ay kinilalang sina Ferdinand Dizon, Mark Paul Fernandine, Manny Magbanua at Melbert John Santos, pawang mga residente ng Tanay, Rizal.
Ayon sa asawa ni Dizon, nakita niya sa livestream na nagbutaw pa ng dalawang manok ang kanyang mister noong Enero 13 ngunit hindi na ito ang nagbutaw sa tatlo pang manok na dala nito.
Si Fernandine ay tagabitbit ng manok at si Santos ay driver ng van na inarkila ng grupo.
Noong Enero 14 ay nakita sa CCTV footage na lumalabas sa sabungan ang van na sinakyan ng apat ngunit hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay hindi pa sila nakakauwi sa kani kanilang pamilya.
Hinala ng pulisya na posibleng pantitiyope o match fixing ang motibo ng pagkawala ng apat na magsasabong.
‘Yon ang iniimbestigahan natin, kasi may sabi-sabi na ‘yong manok [ay] may damage na, pinutulan ng ugat, parang game-fixing din,” ayon kay Santa Cruz Police Station Chief Lt. Col. Paterno Domondon sa panayam sa kanya sa telebisyon.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.