401 buto ng tao, narekober sa Taal Lake

0
408

MAYNILA. Nasa 401 piraso ng buto ng tao ang narekober ng mga awtoridad sa Taal Lake sa Batangas, na inuugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ito ang inilabas na ulat kahapon sa pagdinig ng House Committee on Human Rights kung saan humarap ang mga opisyal ng Department of Justice (DOJ), PNP Forensics Group, at iba pang kaugnay na ahensya ng gobyerno.

Ayon kay DOJ Assistant Secretary Eliseo Cruz, mula Hulyo 10 hanggang kasalukuyan, 401 na buto ng tao ang nakuha ng mga divers ng Philippine Coast Guard sa 17 lugar na kanilang sinisid sa lawa.

Samantala, sinabi ni PNP Forensic Group Director P/Brig. Gen. Danilo Bacas na 163 sa mga narekober na buto ay isinailalim na sa cross-matching gamit ang DNA samples mula sa 29 kaanak ng mga nawawalang sabungero. Gayunman, marami sa mga buto ang hindi na masusuri dahil sa pagkasira dulot ng matagal na pagkakababad sa tubig.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo